Pagbili ng share sa Veterans Bank

Pwede nang gawin 6 gives ang pagbili mo ng share ng Veterans Bank. Bukod dito, hindi mo kailangan magbayad agad para sa unang hulog mo. Kailangan lang ay kumpletuhin at i-submit sa Veterans Bank (online o sa pinaka malapit na branch) ang requirements para sa iyong application sa stock subscription offering (SSO) ng Bangko:

1. Kumpleto at nilagdaang application form
2. Valid government ID
3. Proof o katibayan na kaanak ng isang beterano (kung ang mag-i-invest ay asawa o kaanak ng beterano)

Matapos ma-verify at ma-approve ang iyong application, maaari kang magbayad ng unang hulog mo isang buwan mula sa petsa ng iyong application. Susundan ito ng paghuhulog mo buwan buwan sa susunod na 5 buwan upang makumpleto ang share mo.

May 3 paraan upang maghulog ng shares:

1. Over-the-counter payment sa alin mang Veterans Bank branch
2. Auto debit sa iyong Veterans Bank account
3. Auto debit sa iyong Landbank account

Kung mangyaring hindi ka nakapaghulog ng isang monthly payment mo, magbibigay ng palugit ang Bangko at mag-e-extend ng isang buwan ang payment term mo. Maaari mong ma-avail ang ganitong palugit ng dalawang beses sa 6-month installment plan ng SSO.

Pumunta sa pinaka malapit na branch ng Veterans Bank para sa Veterans Bank Over-The-Counter (PVB OTC) form, Veterans Bank Auto Debit Arrangement (PVB ADA) form, o Landbank Auto Debit Arrangement (LBP ADA) form. Ikaw ay tuturuan din ng aming branch staff ukol sa proseso sa pag-e-enroll sa installment plan at sa paraan ng paghuhulog ng share na mapipili mo.

Huwag palampasin ang pagkakataon na maging owner ng Veterans Bank. Para sa iyo ang mga benepisyo nito!

Bisitahin ang website: https://www.veteransbank.com.ph para sa mga impormasyon tungkol sa SSO, o kumontak sa PVB Customer Care na bukas ano mang araw o oras (24/7):

Telepono: (02) 7902-1PVB (782)
Email : [email protected]
Facebook Chat: Philippine Veterans Bank

Ang Philippine Veterans Bank ay sumasailalim sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas na may telepono: (02) 8708-7087, email address: [email protected], at website: www.bsp.gov.ph

#VeteransBank
#BankofHeroes
#BankwithAHeart

Share This Post

More To Explore